*** Jelena-Dokic.com was
visited by Jelena and her agent ***
Written by Glyn James &
Gerhard Grundhammer and translated by Jacs T. Sampayan
Translated by Jacs T. Sampayan
Jelena Dokic
ni Gerhard Grundhammer and Glyn James
Pangalan: Jelena Dokic
Petsa ng Kapanganakan: 12 / April / 1983
Nasyonalidad: Yugoslavian
Lugar ng Kapanganakan: Osijek, Croatia
Tahanan: Belgrade, Yugoslavia; Monte Carlo
------------------------------------------
Pinakamataas na Ranking:
Singles - #4 (Agosto 19 - Setyembre 22, 2002)
Doubles - #10(Pebrero 4 - Marso 31, 2002; Abril 8 - Mayo 5, 2002)
------------------------------------------
Puwede mo mapatawad si Jelena Dokic sa kanyang pagiging di pangkaraniwang
tao. Siya lamang ay 19 anyos ngunit sa kanyang maikling career, nakatakas
siya sa giyera sa Yugoslavia, papaalis sa kanyang tahanan sa Croatia noong 6
anyos pa lamang siya at mula sa kanyang tahanan sa Serbia noong siya ay 11
anyos. Kinuha o inako niya ang nasyonalidad na Australian at nanahan siya sa
Sydney kasama ang pamilya niya. Puno ng galit, binitawan niya ang kanyang
bagong nasyonalidad at bumalik siya sa kanyang pagiging Yugoslavian.
Pagkatapos niyang pumunta sa Estados Unidos at sa Belgrade, siya ngayon ay
nakatira sa Monaco. Lahat ito, at hindi pa namin nababangit ang kanyang ama,
si Damir.
Pagdating sa mga magulang sa Tennis na mula sa impyerno, may isa o dalawang
kuwento si Dokic. Sumusunod sa isang mahabang tradisyon ng agresibo,
makakam-kam sa pera o mga kumakahol sa kalokohan na mga tatay sa WTA Tour,
si Damir ay taas-noong kumukuha ng puwesto kasama ang pinakamagaling sa
kanila.
Sa kanyang pagkahilig sa pagiinom, nakuha niyang mapaalis sa Edgbaston
Priory Club sa Birmingham, Wimbledon at sa US Open. Lumabas siya sa balita
pagkatapos niyang kunin ang isang mikropono at pinagsisigawan ang camera
crew noong matalo si Jelena ng maaga sa Australian Open 2000. Limitado ang
ingles ni Damir kaya pagnasasangkot sa gulo, makikita mo ang kanyang anak sa
kanyang tabi, isinasa-ingles ang kanyang mga sinasabi, nagbibigay ng mga
paliwanag at sinusubukang i-kalma ang sitwasyon.
Pagkatapos noon, babalik siya sa kanyang trabaho at ipapanalo niya ang
kanyang sususnod na laban at kalmadong itatalakay ang mga forehands at
backhands sa isang nabighaning press sa interbyu room. Na kay Jelena ang
lahat ng karapatang maging iba!
Sa gitna ng lahat ng kaguluhang sa media, ang mga credentials ni Jelena
bilang isang tennis player ay minsan di nakikita. Siya dati ay ang
pinakamataas na ranked na junior player sa mundo noong siya ay 15 anyos at
noong susunod na taon, pinakilala niya ang kanyang sarili sa publiko sa
pamamagitan ng pagkatalo niya kay world no.1 Martina Hingis sa mga unang
rounds ng Wimbledon. Dumaan sa qualifying competition si Jelena at siya ay
129 rank noong mga panohong iyon. Pagkatapos ng kanyang mga panalo doon -
natalo siya sa quartefinals - umakyat siya sa 37 na posisyon at di na
lumigon muli.
Umano na ang magulong kilos ni Damir ay tumatakip sa bawat achievement ni
Jelena ngunit tuloy pa rin siya sa pagtulak sa kanyang sarili. Ang kanayng
pagaakyat sa rankings ay ginamit ni Damir bilang plataporma, humahantong sa
US Open 2002, ng subukan niyang gamitin ang kasikatan ni Jelena para
magsimula ng politcal career sa isang right wing party sa Serbia.
Naatim ni Jelena ang kanyang huling breakthrough sa Roma noong 2001. Doon
napanalo ni Jelena ang kanyang unang titulo sa isa sa mga mayamang at mataas
na tier na torneo. Sa kanyang pagkatikim sa pagkapanalo, tuloy-tuloy na siya
dito. Pagkatapos noon, pinanalo rin niya and Toyota Princess Cup sa Tokyo sa
Japan, ang Kremlin Cup sa Moscow, ang Sarasota Open sa Florida at,
pagkatapos na kanyang panalo sa birmingham, nakapanalo na rin siya sa lahat
ng posibleng surface!
Noong ika-8 ng Oktubre, 2001, pumasok siya, sa pinakaunang beses, sa top ten
at nanatili dito at pagkasinabi niya na ang top ten ay ang kanyang tahanan,
mas totoo ito galing sa kanya kaysa sa kanino pa man.
Ang kanyong laro ay kumakalaban sa mga batas ng pisika. Siya ay may
katangkaran, tumatayo ng 1.75 na metro, ngunit siya ay kasing payat ng lapis
ngunit merong siyang lakas para kalabanin ang mga amazona ng laro. Meron
siyang kakayahan na tumira ng winner sa kahit anong posibleng lugar sa court
at siya ay palaban. Kung nasa loob na siya ng isang laban, wala
makakapagkombinse sa kanya na bumitaw. It ay legacy sa lahat ng kanyang
pinagdaanan.
Mukhang nawalang ng gana at nababaan ng loob si Jelena ngunit gusto niya
ibahin ang pagiisip na ito. Unti-unit niyang tinuruan ang kanyang sarili na
magustuhan ang buhay niya sa labas ng courts at gusto rin niya ang mga
gawain ng typical na 19 anyos na dalaga. Gusto niya mag-shopping, mahilig
siya manuod ng sine, makinig sa musika at ang pinakalahat, mahal niya ang
kanyang kasintahan na si Enrique Bernoldi, isang sikat na tao sa formula
one.
"Meron mahirap na panahon, merong magandang panahon. Kailangan mong harapin
ang mga ito. Gusto ko ang buhay ko pero ito rin ay hindi madaling buhay
kahit na hindi ko ipagpapalit sa kahit ano!" - Jelena Dokic
This page was created in january 1999 by myself
Pierre Cantin and is still maintained by myself with the tremendous help of many
staff
members. Read the history of
Jelena-dokic.com here. Everything contained here may not be reproduced without our written consent. View our Privacy Policy
here.